Sikat ang pinoy sa pamumulitika, ito ang isa sa madaling paraan para umunlad o lumubog ang isang tao.
Nakakabigla ang bilang ng lumahok sa pampanguluhan hanggang sa pinakamababang posisyon sa halalang magaganap sa 2010. Kanya kanyang plataporma di gobyerno.
Ito ang panahon ng bolahan, Panahon na naman ng kunwari’y kababaang loob ng mga pulitiko ngunit pagkatapos manalo ay nag-iiba ang ugali. Ang mga ipinapangako sa taumbayan ay hindi man lang nila nililingon pagkatapos na sila ay maihalal sa puwesto.
May nakita nga ako kagabi na isang lalabang pulitiko sa Lungsod na andaming mga guwardiya o alalay na animo’y panahon na ng kampanya. Kinakamayan ang bawat taong nakakasalamuha, hindi pa naman panahon ng kampanya. Napakaagang pamumulitika.
Mapapasakay ba ninyo yan sa tricycle e ang gagara ng mga sasakyan niya. Kailan kayo makakakita ng tunay na kalagayan ng mga mahihirap.
Dapat sana naman ang batas kapag lalaban nang ganyan ang mga pulitikong nakaupo ay tatapatan na nila ng pag-alis sa kanilang puwesto.
Ganito tayo nuon, ganito parin ba tyo ngaun. Dito nagiging sikat ang pinoy, bolahan, lokohan, plastikan, sabi nga ng lolo ko anak itabi mo lalaban tyo.


{ 15 Mga Komento… read them below or add one }
Pero para sa mga pulitikong ito, bagay na bagay ang kanta na “Wala”.
“Wala nangyari, wala namang nagbago
Parehong kwento, sino ba ang niloloko mo”!
“Totoo yan, pero hindi dapat na matuloy tuloy ang ganitong kalagayan ng ating gobyerno. Mas maraming Pilipino ang maghihirap. Kailangang gumawa ng paraan ang masang Pilipino. Kailangang magtulung-tulungan. Magluklok tayo ng mga taong mag aangat ng Pilipinas. Tama na ang pangungurakot, tama na pamumulitika, tama na bangayan, dapat magkaisa, dyan sikat ang Pinoy
DITO SIKAT ANG PINOY.
ERAP – Yeheeey, Meron ko sakit sa utak.
GLORIA – Yan ay nakakahabag bakit ka naman masaya.
ERAP – Kasi ngaun ko nalaman na may utak pala ko.
Yung ibang mga pulitiko ay manggagamit at pawang mga pakitang tao lamang.
Sa tingin ko. May mgas pulitikong mapag samantala o gahaman sa posisyon, lahat sila ay mga lasing – lasing sa kapangyarihang natamasa nila. Mga nakalimot na sa Diyos at gagawin ang lahat para lang maibalik sa kanila ang posisyon na kung saan ay nabubuhay sila. Isang magandang halimbawa dito ay ang angkan ng Ampatuan, na kung saan ay pumatay sila ng mga tao para lang mapasakanila ang posisyon nila. tsk tsk.
Maganda ang topic na ito para bilang “Sikat ang Pinoy” dahil dito sumisikat ang mga pinoy dahil sa mga maling paraan makamtan lang ang hinahangad na pang sariling interest.
Haist… kelan ba tayo magkakaroon ng tunay na makamasa na lider. Yaong tunay na ang hangad ay maglingkod… sino? sino kaya sa kanila.. ang magmamahal sa bawat mamamayang Pilipino.. pakituro mo nga Bro..
Nag-iiba talaga ang ugali ng isang tao kapag nagkakaroon ng kapangyarihan.
Mas sumikat ang pinoy nung halos masali sa world record ang pinas dahil sa massacre sa maguindanao na may kinalaman pala sa pulitika. Keep Up the Good work mga pulPoliticians
Ito’y isang temang napakalawak kung pag-uusapan, konektado sa iba’t ibang sektor at damay ang iba’t ibang lebel ng komunidad. OO, bulok ang ating sistema at ito’y isang bagay na hindi maikakaila. Nakakalungkot na patuloy ang kabulukang ito sa gobyerno ngunit ano nga ba ang magagawa ng isang ordinaryong taong tulad natin sa ganitong aspeto? Ang sagot ko? MERON at MARAMI.
MERON. Dahil ang isang ako at ikaw ay may karapatang baguhin ang sistema sa pamamagitan ng pagpapalit ng mga taong nakaupo sa sistemang nagpapatakbo ng bansa. Ang boto ko, ang boto mo ang magtatakda ng pagbabago. Ngunit nagagampanan ba natin ang tungkulin at karapatang bumoto?
MARAMI. Dahil ang isang ikaw at ako ay maaaring maging parti ng isang bagong lipunan sa pamamagitan ng tamang pagpili ng iluluklok sa pwesto. NGUNIT ang tanong – kwalipikado ba ang mga taong tumatakbo sa pwesto? Ano nga ba ang magandang kwalipikasyon sa bawat pwesto?
Hangga’t maraming taong kayang bayaran ng salapi, walang mangyayari sa bayan ni Juan. Hangga’t may mga taong gahaman sa impluwensiya at kapangyarihan, walang magbabago sa ating bayan.
Hangga’t maraming maralita na kayang tapak-tapakan ng mga may-salapi, hindi uunlad ang lahi ng Pinoy. At hangga’t hindi kumikilos ang isang ikaw at ako, mananatiling lugmok ang ‘BAYAN KO’.
mahirap talaga ang pulitika, ang istilo e pabulaklakan ng salita… e kung sa gawa sana…
Meron bang religious politics?
Kailangan din ng taong bayan ng visible at transparent na mga info’s at data publicly about sa government disbursement, para malaman sa lahat kun saan pumupunta ang mga pera ng mga tao. Like neda , bir , gov and other philippine goverment and economic related sites, na naglalayag nang mga impormasyon.
sample: Philippine Political Site na specialized site.
This will show the income salary, projects and achievements for every politics, parang statistic (N S O) sa lahat. parang google analytics, para aware at malaman ng lahat na mga tao at mga studyante. Para malaman sa mga sumusunod na generation at malaman din nila bakit ganito ang ekonomiya nang pilipinas.
@rybaxs
Sa pagkakaalam ko, meron niyan ang IBON Foundation.
Mababago naman ang sistema ng mga Pinoy kung ang tatayo bilang mga namumuno ay may takot sa Diyos! Maiiwasan ang anumang pangloloko, panggagamit, pagnananakaw dahil hindi nila kaya itong gawin kanino man may bantay man, may nakatingin man o WALA. Panalangin ko na sana… ang susunod na Pangulo at iba pang mahahalal ngayong 2010 ay higit na MAY TAKOT sa DIYOS!!!
ELEKSYON AY BAHAGI RIN NG REBOLUSYON!
SINO ANG DAPAT MAGSULONG NG PAGBABAGO? ANG TAO! ANG MASA!
SINO ANG NAGPAPANGGAP NA BOSES NG TAO? MGA NEGOSYANTE. MGA POLITIKO!
election ay corruption. ibay yumayaman pagnakaupo na. ibang politiko mhga magnanakaw. kinukurakot pera ng taong bayan kaya naghihirap ang bayan dahil sa kanila. mhga walang hiya kapal mukssss tlaga! sana lahat ng politikong magnanakaw ay atakihin sa puso sa kanilang mga opisina! pls………………………………………………………………………………. Wag lang ang mababait at tapat mag serbisyo sa kanilang nasasakupan. amen!!!!!!