at
MAKINIG
lamang sa payo ni LOLO
Dito ka na magtanong dere-chupa ang sagot!
Katanungan:
Lolo, bakit po sa tuwing pag gising ko sa umaga nakatayo si manoy ko? Eh datirati naman normal lang naman sya pero ngayon parang napapadalas ang pagtayo ni manoy. Ito po ba ay normal lang o kaya dahil lang sa panahon natin ngayon. Ano pong maipapayo nyo lolo?
Ismael
Sagot ni LOLO:
Iho, ang pagiging aktibo ng iyong manoy ay kadalasang dumedepende sa edad ng mga lalake pero yun ay haka-haka lamang. Dahil kahit matanda na ako laging nakatindig ang aking alaga kahit hindi umaga, ibig sabihin lamang nito ay hindi ko na kailangang gumastos ng mahal upang makabili ng tinatawag nilang Viagra. Kadalasan ang pagiging pagsaludo ni manoy ay may mga iba’t ibang klase ng dahilan, ang mga ito ay:
- Mahilig kang kumain ng kamatis.
- Nakakain ka ng sili at ito ang naging dahilan ng pagiging mainit ng iyong pakiramdam.
- Malamig sa kwarto mo.
- Napanaginipan mo na may magandang binibini na iyong pilit na inaayuda hanggang sa mabasa ang iyong brief o ang tinatawag na Wet Dreams.
- Kung hindi babae ang iyong napanaginipan, malamang ay lalake iyon at ibig sabihin ay may lihim kang dapat mo ng ibunyag.
- Dahil na rin sa pagbabago ng ating klima (Climate Change)
- Tunay kang manyakis.
Payo ni LOLO:
Ang maipapayo ko lang sa mga ganitong situwasyon ay iwasan mo ang pagkain ng mga magpapainit sa iyong katawan. Kung wala ka namang kinain na sa tingin mo ay hindi iyon ang dahilan, patayin o hinaan ang hangin sa iyong kwarto upang hindi lumamig ang paligid, mag isip ng mga brutal na pangyayari bago matulog para hindi kamunduhan ang iyong mapapanaginipan o magpakunsulta sa mga albularyo para mawala ang pagiging manyakis mo.
Maaari ka ring uminom ng tatlong kutsarita ng katas ng lagundi na may halo ng isang patak ng pawis ng langgam. Sa paraang ito ay mawawalang bisa na ang pag tayo ni manoy tuwing umaga. Paalala: Huwag mong gagawin ito kung ikaw ay makikipagtalik sa iyong asawa o kasintahan dahil baka magalit sa’yo ang iyong kabiyak.
Sana ay natulungan kita sa iyong pagtataka kung bakit nakatayo si manoy mo.
Kung ikaw ay may katanungan tungkol sa pag-ibig, personal na buhay, problema sa pakikipagtalik, mga haka-haka, o gusto mo lang makikulit sa amin. Mag-iwan lamang ng mensahe sa aming email walakasaloloko@gmail.com o magtungo lamang dito sa Itanong mo kay LOLO!!! para malaman pa ang mga karagdagang detalye.



{ 1 trackback }
{ 11 Mga Komento… read them below or add one }
Hahaha! Natawa ako dun sa drawing mo lolo, kamukha ng kaofficemate ko na kalbo.
@Ismael
Baka ung si pussycat yung my kasalanan! hehehehe
galing ng payo mo lolo ah..iba na talaga kapag eksperyensado..
waaaaaahahahah bat may pusa diyan?
“mag isip ng mga brutal na pangyayari bago matulog para hindi kamunduhan ang iyong… ”
uu nga mga brutal na bagay, tsaka mag-isip ka ng basketball kung hindi parin tumalab, naku baka… b**la ka… heheh “peace”
bat di ka pa mamatay lolo. tanda mo na. lol
@Leo, manyakis din ba yan?
@Ernart, hindi natin masasabi kung si pussycat ang may kasalanan
@ronnie, maraming salamat! baka may gusto karing ipakonsulta sa akin mag email lang sa akin.
@Cris, basta involved ang pusa dyan
@alamat, kalabaw lang ang tumatanda; mabuting damo lang ang namamatay. tae lang ang mabaho
Visiting here. Baka akala ni pusa daga yung nasa loob ng pantalon ni lolo. Hehe! Masakit yan pag nakagat ni pusa.
wow ang galing nmn ni lolo tinatayuan pa?LOLz
tnx for adding my site s mga kaibigan…:D
aba..sige lolo, magpapadala ako sayo ng sulat..ahmm… dapat masagot kaagad ha?lol
kaya pala… kung ganon edi damihan ko pa kamatis. hahaha! jok
ahahaha!
Lolo… ayos sa payo ah. Pero sa tingin ko manyakis lang talaga.