Sikat ang pinoy sa grupong Jabbawockeez!!!

by wiiwiiw on January 5, 2010

Pinoy-Jabbawockeez

Jabbawockeez, Pinoy, Sikat ang Pinoy

MANILA, Philippines – Hindi kapani-paniwala pero totoo: Kababayang nating pinoy lumantad sa internasyonal na hip hop dance competition.

YouTube Preview Image

Meron ding ibang kababayan nating tinatawag na Philippine All Stars, na tumalo sa 27 mga bansa at nanalo sa 2006 at 2008 World Hip Hop Championships. At meron ding nagmula sa California na binansagang Jabbawockeez, ito ay binubuo ng 10 tao sa miyembro – apat dito ay Pinoy – na nagkamit ng kampeon sa kompetisyon sa America’s Best Dance Crew.

Jabbawockeez, nakuha ang pangalan sa tula ni Lewis Carroll “Jabberwocky”. Ang grupo ay nabuo noong 2003 at nagsimula makilahok sa mga lokal na kaganapan sa San Diego at L.A. Ang grupo ay nagsimula sa walong miyembro na pinamumunuan ni Gary Kendall, isang Amerikanong namatay bago ang grupo sumali sa “ABCD”. Ang pagkamatay niya ang nagbigay ng lakas ng loob sa kanyang kasama – Rynan Paguio, Chris Gatdula, Phil Tayag, Joe Larot(Philippines), Ben Chung(Korea), Jeff Nguyen(Vietnam) and Kevin Brewer(United States) para maghangad sila ng mataas.

Pinoy Jabbawockeez

Jabbawockeez, Sikat Ang Pinoy, Pinoy

Ang grupo masayang nakabalik ng bayan at maiksing balitaktakan kasama ng Inquirer:

Meron ba sa inyo ang nakasali ng pormal na pag-aaral ng sayaw?

Rynan: Karamihan sa amin ay nagprapraktis lang sa garahe kasama ang mga kaibigan. Naglalatag kami ng tapete para gamitin namin sa pagbreakdancing sa panahon natuto kami ng paraan. Nang umusbong ang hip hop at mga dance studios at nagsimula tumanggap ng magtuturo, pumasok kami bilang instraktor. Inangkop namin kung anong ginagawa ng jazz teacher sa kanilang pagbibilang.

Meron bang lider o pano nagsisimula ang proseso ng grupo?

Rainen: Walang lider, swerte lang talaga na lahat sa amin nagbabahagi …

Phil: Parang sinigang… or sisig…

Kevin: Pinagsasama-sama namin ang mga bagay-bagay… Bilang choreographer, ang musiko ang ugat ng lahat.. ito ang nagbibigay ng mood, tempo at dinadamdam namin. Kung ang instrumental ay mabilis, so dapat mabilis din ang galaw mo para tumama sa tempo ng tugtog.

Sino nakaisip ng pagsasalin ng panggagaya, ang Kabuki masks at ang elementong Jeet Kune Do sa choreography?

Kevin: Di namin gusto na makilala ng mga tao kung sino kami kaya naglalagay kami ng maskara. Pero kung hindi nakikita ng tao ang pagpapahayag ng aming mukha ginagamit namin ang aming katawan at dun lumalabas ang aming panggagaya. Pero di namin layunin ang ganitong elemento. Ginagawa lang namin hanggang sa mabuo. Sa Jeet Kune Do, yun ang pilosopiya namin sa likod na ang aming pagsasayaw, bilang pag inspirasyon kay Bruce Lee. Sa totoo lang ito ay isang pagpapahiwatig ng sarili mo sa pamamagitan ng iyong galaw.

Ito na ba ang magiging buong oras na karera nyo sa grupo?

Rynan: Sa ngayon meron kaming 9 hanggang 5. Nag tayo kami ng kompanya.. pag hindi kami nasayaw, nagprapraktis kami o kaya naman ay nagawa kami ng kasuotan, gumawagawa ng bidyo, nagbabago ng website.

Yan ba ang balak nyong layunin?

Hindi, gusto lang namin sumayaw at magkaroon ng kasiyahan. Si Gary talaga yung parang pangunahing tao. Siya lagi yung my mataas na hangad at pangarap sa grupo. Nang sumakabilang buhay siya sinimulan namin kung ano hangad niya sa grupo. At simula noon nakakakita na kami ng mga taong hinihimok ang aming ginagawa, kung pano kami sumasayaw.

Meron bang elemento ng Pinoy sa lahat ng sayaw nyo?

Chris: Kasi wala na kami sa uso, pero pwede kami mag ocho-ocho.

Philippine Daily Inquirer

88news.net

Bookmark and Share

{ 2 trackbacks }

uberVU - social comments
January 5, 2010 at 4:30 PM
uberVU - social comments
January 6, 2010 at 10:06 AM

{ 4 Mga Komento… read them below or add one }

ganfall January 5, 2010 at 5:34 PM

Sikat talaga ang pinoy. Hindi lang sa Jabbawockeez may pinoy dancer kundi pati sa ibang winners ng Americas Best Dance Crew tulad ng Supercrew. Galing ng pinoy!

Nel January 5, 2010 at 7:02 PM

halos lahat ng nagchampion sa ADBC may kasamang pinoy! Jabbawockeez para sa season 1, Super Cr3w season 2 champion at ang Quest Crew for the 3rd season! at dahil dyan, Sikat ang Pinoy!

Batang Kanto January 5, 2010 at 7:18 PM

Grabe lupit naman!!! woooo! Sikat ka talaga ang pinoy kahit sa anong larangan. Aprub!!!

rhea mae o. tenerife February 7, 2010 at 7:38 PM

woooo….. it’s so nice that the jabbawockeez have an filipino in there group.., WE LOVE THE JABBAWOCKEEZ.. god bless to all of you… more power guys

Magkomento

Nakaraang Artikulo:

Susunod na Artikulo: