Labanan ng walang utak

by hapon on January 9, 2010

Host : Ano ang ginagamit na sikat sa na gamit upang hindi
ka malunod?
Clue : starts with the letter S (salbabida) Beep!
sikat na Contestant : Sirena?
Pinoy Host : Hinde! Hindi ito babae. Beep!
sikat na Contestant : Siyokoy?
Pinoy Host : Hindi! Hindi ito lalake. Beep!
sikat na Contestant: Siyoke?

Pinoy Host : Ano ang Pambansang Puno ng Pinoy?
Clue :  Nagsisimula sa letrang  “N”
Sikat na Contestant: Niyog?
Pinoy Host: Mas matigas pa diyan.
Sikat na Contestant: (In a strong-sounding voice) NIYOG!

Pinoy Host : Ano ang sagot sa  2 + 2?
Sikat na Contestant: Three!
Pinoy Host: Hinde, mas mataas pa diyan.

Sikat na Contestant: (In a high pitched voice) Three!

Pinoy Host: Saan binaril si Jose Rizal?
Clue : “B” ang simula (Bagumbayan)
Sikat na Contestant: Sa back?
Pinoy Host: O sige, pwede rin na ang simula ay “L” (Luneta)
Sikat na Contestant: Sa likod?
Pinoy Host: Hindi pa rin. Para mas madali, “R.P” and initials ng modern
name niya (Rizal Park)
Sikat na Contestant: Sa rear part?

Pinoy Host: Saan tayo madalas pumupunta pag summer upang maligo?
Clue : Starts with “B” (Beach)
Sikat na Contestant: Banyo?
Pinoy Host: Hindi, pag pumunta ka doon, maaarawan ka.
Sikat na Contestant: Sa bubong?
Pinoy Host: Hindi, marami kang makikita doong mga babaeng naka-bikini.
Sikat na Contestant: Sa beerhouse?

Pinoy Host : Ano ang pambansang ibon ng pinoy?
Clue : Starts with the letter “M” (Maya)
Sikat na Contestant: Manok?
Pinoy Host: Hindi, brown ang kulay nito.
Sikat na Contestant: Piniritong manok?
Pinoy Host: Hindi, nagtatapos sa letter “A”
Sikat na Contestant: Piniritong manoka?
Pinoy Host: Hindi, mas maliit pa sa manok.
Sikat na Contestant: Maggie chicken cube?

Pinoy Host : Ano ang pambansang bulaklak ng pinoy?
Clue : Nagsisimula sa letrang  “S” (Sampaguita)
Sikat na Contestant: Sunflower?
Pinoy Host: Hindi. Binebenta ito sa kalye.
Sikat na Contestant: Stork?
Pinoy Host: Hindi. Bulaklak sabi, eh.
Sikat na Contestant: Sitsarong bulaklak?
Pinoy Host: Hindi pa rin. Ends with the letter “A”
Sikat na Contestant: Sitsarong bulaklak na may suka?
Pinoy Host: O, para madali, uulitin ko ang clues at dadagdagan ko p
Sikat na Contestant: pangalan ng bulaklak na nagsisimula sa “S”, nagtatapos sa
letrang “A”, at kapangalan ito ng isang sikat na singer.
Sikat na Contestant: Si Sharon Cuneta!

Pinoy Host : Ano ang tawag sa tao na sumasagip sa iyo pag ikaw ay nalulunod?
Clue : “L” ang simula ng pangalan niya.
Sikat na Contestant: Lifebuoy?
Pinoy Host: Hindi, pero kahawing nga ng pangalan ng sabon ang pangalan ng
taong ito.
Sikat na Contestant: Safeguard?
Pinoy Host: Hindi, pagsamahin mo yung dalawang sagot mo.
Sikat na Contestant: Safe boy?
Pinoy Host: Hindi siya ‘boy’ at matipuno nga ang kaniyang katawan.
Sikat na Contestant: Si Mr. Clean!

Pinoy Host : Sino ang kauna-unahang chess grandmaster of Asia?
Clue : Kapangalan niya ang tao ng chess (Eugene Torre)
Sikat na Contestant: Carole King?
Pinoy Host: Hindi, mas mababa sa King.
Sikat na Contestant: Al Quinn?
Pinoy Host: Hindi, tagalog ang apelyido niya.
Sikat na Contestant: Armida Siguion-Reyna?
Pinoy Host: Hindi pa rin. Mas mababa sa reyna.
Sikat na Contestant: Bishop Bacani?
Pinoy Host: Mas mababa pa sa bishop.
Sikat na Contestant: Johnny Midnight?
Pinoy Host: Mas mababa pa sa knight.
Sikat na Contestant: Jerry Pons?
Pinoy Host: O ayan, ha. Nabanggit mo na ang lahat ng piyesa. Yung
kahulihulihang piyesa na lang.
Sikat na Contestant: Sylvia la Torre?

Pinoy Host: Sino ang national hero na naka-picture sa 500 peso bill?
Clue : Ang initials niya ay N.A. (Ninoy Aquino)
Sikat na Contestant: Nora Aunor?
Pinoy Host: Hindi, ang last letter ng palayaw niya ay ‘Y’
Sikat na Contestant: Guy Aunor?
Pinoy Host: Hindi, dati siyang senador.
Sikat na Contestant: Si former Senator Guy Aunor?
Pinoy Host: Hindi, patay na siya.
Sikat na Contestant: Ano!? Patay na si Nora Aunor!!??

Bookmark and Share

{ 1 trackback }

uberVU - social comments
January 9, 2010 at 10:18 AM

{ 4 Mga Komento… read them below or add one }

Dheo January 9, 2010 at 1:28 PM

kulit nito a, haha!

delta 102 January 9, 2010 at 2:36 PM

nakakatawa nman tong blog u… not bored kind of blog
nice matatawa ka talga
pwede po bang mag exchange link tayo..
just for any concern email me

Papabol January 9, 2010 at 2:47 PM

Wahahaha! Kulet naman

zpyypoito January 13, 2010 at 4:07 PM

kFnvKh wzbfzwgtcsjd, [url=http://cuuqfloixhmd.com/]cuuqfloixhmd[/url], [link=http://ffareyaslepz.com/]ffareyaslepz[/link], http://ohwjxynimibv.com/

Magkomento

Nakaraang Artikulo:

Susunod na Artikulo: