Nagdugo na ba ang ilong mo habang ka-chat ang mga jologs?

by Leo on January 13, 2010

Naranasan mo na bang dumugo ang ilong mo sa pagpilit na intindihin ang mga sulat na naiiba at katangi-tangi? Ang mga sulat na tinutukoy ko ay ang “SuLT ng MgA jolOgz“!

*Disclaimer: Ginamitan namin ng teknolohiya ang katagang “Sulat ng mga Jologs” upang maipahayag sa inyo kung anong uri ng sulat ang tinutukoy namin.

Ang blog ni Lolo na ito ay nilikha para sa mga tao at sa mga banyagang nilalang (Alien) sa planetang ito upang magkaisa at mapatunayan sa buong daigdig na sa lahat ng bagay ay Sikat ang Pinoy.

Sa problemang iyong tinatahak para lang maunawaan ang mga jologs ay may solusyon na!

OO! May solusyon na nga! *ang kulet mo*

May isang taong isinugal nya ang kanyang sarili para lang maintindihan natin ang gustong ipahiwatig ng mga jologs. Siya ay si Pat “akosipat” Ambrosio, na nag aksaya ng oras at pagod upang ipakita sa buong mundo na “Posible” na maintindihan nating mga normal na tao ang mga sulat ng mga jologs.

Basahin at alamin kung paano gamitin ang likhang pinoy na ito. Magtungo lamang sa techie.com.ph

Larawan mula sa techie.com.ph

Bookmark and Share

{ 1 trackback }

uberVU - social comments
January 13, 2010 at 8:55 PM

{ 6 Mga Komento… read them below or add one }

lolo tacio January 13, 2010 at 8:45 PM

tama ka, sikat ang pinoy.

LoloArt January 13, 2010 at 8:51 PM

anung province yan?

Anonymous January 14, 2010 at 1:29 AM

wow loLz! eFFecTiVE NGa ANg JoLOgoFy p0wh. GGo Lng Ang mkKAinTInD NE2

Gloria January 14, 2010 at 8:28 AM

jologs din ang nakakaintindi sa mga jologs

LoloArt January 14, 2010 at 12:21 PM

Ang jologs ay isng bagong lifeform! na discover nung nkaraang deKada!

Papawash Fanatic January 14, 2010 at 4:52 PM

anG GlInG NMn jAJa muKhng TaNga lng

Magkomento

Nakaraang Artikulo:

Susunod na Artikulo: