Sino nga ba si Manny Pacquiao? Bakit sikat na sikat sya sa buong mundo? At maging ang mga banyaga ay napapahanga nya. Ikaw kilala mo ba talaga sya?
Emmanuel Dapidran Pacquiao, ang kanyang buong pangalan (bigkasin /ˈpækjaʊ/ sa Cebuano, /pa’kjaw/ sa Tagalog, at /fuck you!/ para sa mga nagmamadali na bumigkas; ipinanganak sya noong ika labing pito ng Disyembre taong isang libo siyam na daan at pitumpu’t walo, Petsa ayon kay Lolo), mas kilala bilang Manny Pacquiao, isang Sikat na Pinoy na Batikang Boksingero.
Sya ay ang kasalukuyang Kampiyon ng WBO World Welterweight, IBO at Kampiyon ng Ring Magazine Light Welterweight, at sya ay naihanay ng Ring Magazine bilang #1 pound-for-pound na Boksingero sa buong mundo.
Sya rin ang dating Kampiyon ng WBC World Lightweight, Kampiyon ng WBC World Super Featherweight, Kampiyon ng IBF World Super Bantamweight, at Kampiyon ng WBC World Flyweight. Dagdag pa dito, sya ay ang dating Kampiyon ng Ring Magazine Featherweight at Super Featherweight.
Ang naturang Sikat na Pinoy na Boksingero ay ang kauna-unahang boksingero na nagwagi ng pitong titulong pangbuong mundo sa pitong magkakaibang mga dibisyon ng timbang. Sa karagdagan, sya ang natatanging boksingero na nagwagi ng angkan ng Kampeonato (“ang tao na nakatalo sa tao”) sa apat na magkakaibang klase ng timbang. Bukod sa pagiging boksingero, si Pacquiao ay lumahok din sa pulitika, sa pag-arte, sa paggawa ng pelikula at sa pagtatala ng musika.
Personal na Buhay
Si Pacquiao ay ipinanganak sa Kibawe, Bukidnon, Mindanao at kasalukyang namumuhay sa Lungsod ng General Santos, Timog Kotabato, Pilipinas. Sya ay ikinasal kay Jinkee Pacquiao, at nagkaroon ng apat na supling. Si Pacquiao ay nagtapos lamang ng Edukasyon sa Elementaryang Paaralan. Kamakailan lamang, sya ay kumuha ng pagsusulit na katumbas ng Mataas na Paaralan, na kanyang naipasa, at sya ay nagpatala para sa degree ng kolehiyo sa Unibersidad ng Notre Dame, Dadiangas. Sya rin ay isang reserba ng militar na may ranggong Punong Sarhento. Sya rin ay may tindahan ng mga komestibles sa Lungsod ng Heneral Santos. At dahil kay Manny Pacquiao lalong naging Sikat ang Pinoy!
Sa madaling salita, lahat ay meron na sya maliban sa kakaibang Heyr Stayl (Hair Style).

