Habang nagpe-facebook si LOLO ay marami syang napuna sa mga pangyayari sa kanyang “wall“.
Karamihan sa mga nagpe-facebook ay mga naglalaro lamang ng mga games kung saan ay naaadik at halos wala nang matapos na trabaho sa opisina, hindi matapos-tapos ang mga takdang aralin, napapabayaan na ang pakikipag komunikasyon sa mga kasintahan o asawa.
Ang larawang nasa itaas ay pagpapatunay lamang na ang mga adik na ito ay buong buo ang loob nila na ipinagmamalaki sa mga kaibigan nila na sila ay lume-level up na. Inaalala rin nila ang kalagayan ng kanilang mga pets, farm, pag-level up, at kung anu-ano pa. Sa pamamagitan daw ng pagpapataas ng level ay manghihikayat pa sila ng iba para sumali sa kanilang grupo upang mapanatiling malakas ang kanilang mga isda, mapasarap ang kape o makalikom ng maraming miyembro.
“Sali ka sa farmville ko?”
“Lahat ng mga kaganapan sa aking paglalaro ay ipo-post ko dito.”
“Babahain ko ang iyong wall para malaman mo na nagle-level up na ako at ako lang ang malakas!”
May mga tao namang kinakarir ang pagiging facebook adik nito, tulad ng larawan sa baba:
Dahil sa isang napaka-giting na pagsisikap nya upang mag imbita ng mag imbita sa amin, siya ay tatanghalin naming “THE PROFESSIONAL EVENT COORDINATOR” kung saan ay mas daig nya pa ang mga taong may kaarawan.
KASUKLAM SUKLAM
na
PHOTO TAGGER
Lahat ng mga nakikita nilang larawan ay ilalagay nila sa album at magta-tag ng magta-tag ng walang humpay. Wala silang pakielam kung ano ang itsura mo sa larawang iyon basta ang mahalaga ay marami silang mga larawang tina-tag. Wala silang pakielam kung ang larawang ito ay gusto mong makita ng mga kamag-anak mo, ka-eskwela mo, o mga katrabaho mo.
“Dude, nag-upload ako ng bagong piktyur. Nai-tag na rin kita sa larawan mo habang tumatae ka… Wag ka mag-alala maganda naman ang DSLR ko kaya siguradong maganda ang quality ng larawan mo dun… Oo nga pala marami na ang nag-comment sa larawan mo, pinagkakatuwaan ka na.”
Ikaw? Isa ka ba sa mga nabiktima ng facebook? Ikaw ba mismo ang isa sa mga nabanggit sa artikulong ito?
Sa mga susunod na mapupuna ni LOLO ay hindi namin kakalimutang ilagay dito. Maraming Salamat sa pagsasayang ng oras.






{ 11 Mga Komento… read them below or add one }
TAMA!!! ANG GALING MO TALAGA LOLO!!
ahahhhaha… ako ay adik rin sa games ng facebook… farmtown and farmville, fish aquarium… sarap talaga maglaro!!!!
Kapag nabibiktima ka na… malamang sikat ka na! jejejejejeje
Hehehe this is so korek! minsan kaka-inis nga yung mga tag. yung iba lang naman. minsan nakakatuwa din! heheh
buti n lng mga wholesome pics lng natatag sken… wala nmn ganung kagross..☺
Thanks for you’re visit and nice comment – always nice to meet other bloggers!
Yun naman pala, na bitag ka!!! hehehe
grabeh tong facebook era… kahit sino pinagtritripan
adik yang mga phototagger n yan!
SF Online Phi. Battle Front Trench! Jan po kau pumasok. =D Ney*<3*Steph CName Tsaka SIX16TEEN o kaya [SS]-AZaLiA Eagle na yellow. =)))
hahah..ui nd aq ksli jan kc tnigilan q na mga games q eh..konti nlng..