Jumi-Jingle si Manny Villar

by Leo on February 9, 2010

Sikat na sikat talaga ang mga Pinoy kahit saang larangan. Pero sa pagkakataong ito maging ang mga Politiko ay nakikilala na rin sa ibang bansa tulad nalang ni Presidente Corazon Aquino na asawa ni Senador Ninoy Aquino na may anak na tumatakbo bilang presidente ngayong darating na halalan na si Noynoy Aquino na kapatid ng artistang si Kris Aquino na asawa ni James Yap na napapabalitang may karelasyon daw sa Belo Medical Group na pag-aari ni Doktora Vicky Belo na kasintahan ni Hayden Kho na gumawa ng mga kan(**toot!**) bidyo na nasaksihan ng mga ilang mga pinoy ang nilalaman nito, kasama sina Maricar Reyes at Katrina Halili na dating taga-starstruck ng GMA 7 kung saan nanggaling si Cristine Reyes na ngayon ay nasa ABS-CBN kung saan may sikat na palabas na Pinoy Big Brother kasama si Cathy Remperas.

Alam namin na kilalang kilala mo na si Manny Villar dahil sa mga advertisements nito sa Telebisyon, Dyaro, Internet, Radyo. Lalong sumikat si Manny Villar dahil sa tugtuging naka-eeLSS. May nag-padala dito sa Sikat ang Pinoy www.walakasaloloko.info ng mp3 at nagtataka kung ang jingle nyang ito ay dinampot lang ba sa banyagang lugar tulad ng bansang hapon at kapareho ng tugtog ng kanyang sikat na commercial. Hindi namin intensiyon na siraan ang senador na ito, pero hindi talaga kami sigurado baka kasi nagpagawa lang siya ng anime version ng kanyang awitin at nagbabalak tumakbo sa bansang hapon bilang presidente o talagang sikat na sikat lang talaga siya kaya maging sa bansang hapon ay ginawan din siya ng kanyang jingle.

Ang link sa baba ay ang mp3 na pwede nyong i-download ng LIBRE (pero may password) sa pamamagitan ng pag pindot ng madiin:

 

http://www.mediafire.com/?jw2jym1zm5m

password: www.walakasaloloko.info

 

Pagtatatuwa: Wala kaming sinusuportahang mga kandidato. Ang pag gawa ng artikulong ito ay isang pagbabahagi lamang ng aming mga nadidiskubre sa pang araw araw na kabuhayan lalo na’t marunong mag-text si LOLO.

**Kung gusto nyong suportahan namin kayo(Mga Kandidato) maaari kayong magbayad ng tatlong bilyong dolyar sa amin para mabigyang boses ang inyong mga kahilingan.

Bookmark and Share

{ 1 trackback }

uberVU - social comments
February 9, 2010 at 4:31 PM

{ 4 Mga Komento… read them below or add one }

Tracee February 9, 2010 at 5:24 PM

pwede tawad? 1bilyon nalang? hehehe

Ason. February 9, 2010 at 9:58 PM

madilim.. lol

svetlana February 10, 2010 at 8:27 AM

okay ang paragraph 1 ah..galing kumunekta ni lolo :D

mahal ng services nio ah.tawad n lng…piso??hehehe

ortseid February 10, 2010 at 6:57 PM

hahahha, gusto ko ang jingle ni Villar parang jingle ng lolo ko ng buhay pa sya, sample: nakaligo ka na ba kasi mabaho ka na,, heheheheh :)

Magkomento

Nakaraang Artikulo:

Susunod na Artikulo: