by Leo on February 9, 2010
Sikat na sikat talaga ang mga Pinoy kahit saang larangan. Pero sa pagkakataong ito maging ang mga Politiko ay nakikilala na rin sa ibang bansa tulad nalang ni Presidente Corazon Aquino na asawa ni Senador Ninoy Aquino na may anak na tumatakbo bilang presidente ngayong darating na halalan na si Noynoy Aquino na kapatid ng artistang si Kris Aquino na asawa ni James Yap na napapabalitang may karelasyon daw sa Belo Medical Group na pag-aari ni Doktora Vicky Belo na kasintahan ni Hayden Kho na gumawa ng mga kan(**toot!**) bidyo na nasaksihan ng mga ilang mga pinoy ang nilalaman nito, kasama sina Maricar Reyes at Katrina Halili na dating taga-starstruck ng GMA 7 kung saan nanggaling si Cristine Reyes na ngayon ay nasa ABS-CBN kung saan may sikat na palabas na Pinoy Big Brother kasama si Cathy Remperas.
Alam namin na kilalang kilala mo na si Manny Villar dahil sa mga advertisements nito sa Telebisyon, Dyaro, Internet, Radyo. Lalong sumikat si Manny Villar dahil sa tugtuging naka-eeLSS. May nag-padala dito sa Sikat ang Pinoy www.walakasaloloko.info ng mp3 at nagtataka kung ang jingle nyang ito ay dinampot lang ba sa banyagang lugar tulad ng bansang hapon at kapareho ng tugtog ng kanyang sikat na commercial. Hindi namin intensiyon na siraan ang senador na ito, pero hindi talaga kami sigurado baka kasi nagpagawa lang siya ng anime version ng kanyang awitin at nagbabalak tumakbo sa bansang hapon bilang presidente o talagang sikat na sikat lang talaga siya kaya maging sa bansang hapon ay ginawan din siya ng kanyang jingle.
Ang link sa baba ay ang mp3 na pwede nyong i-download ng LIBRE (pero may password) sa pamamagitan ng pag pindot ng madiin:
kabuuan ng istorya…
Tag bilang:
Commercial,
Eleksyon,
Halalan,
Jingle,
Manny Villar,
MP3,
Sikat ang Pinoy
by Leo on January 11, 2010
by Leo on January 9, 2010
Baong Taon na, tinatawag na tayo ng ating bayan para sa ating partisipasyon at pangakong bumoto ng katangi-tangin at tunay na pinuno na siyang tunay na magsisilbi at mamumuno sa ating bayan.
Sikat ang Pinoy talaga sa pag-iisip ng paraan para makilala at sumikat, di mo alam kung si lolo ba ay matutuwa o mapapamura. Isa ba sa napupusuan mong kandidato ang gumawa na mga sumusunod gimik na ito sa pangangampanya?
- Ang pakikibahagi, pag-aakisakaso o pag-aambag sa KBL (Kasal-Binyag-Libing)
- Mga pagbati o pakikibahagi sa mga taunang okasyon katulad ng Piesta, Buwan ng mga Puso, Graduwasyon, Summer Vacation, Araw ng mga patay, Pasko, Bagong Taon at iba pa.
- Mga pagbati o pakikibahagi sa mga palaro, timpalak o paligsahan katulad ng Patimpalak ng magaganda, Liga sa Basketbol, Paligsayan para sa Clean & Green at iba pa.
- Pagtataguyod ng mga programa para sa iskolarsyip, pagsasanay, paghahanap ng trabaho,misyong medikal at iba pa.
- Pagtugon sa mga biktima ng kalamidad na gawa ng kalikasan o tao katulad ng kidnapping, bagyo, pagguho ng lupa, pagsabog ng bulkan, baha, problemang OFW, kasuklam-suklam na krimen at iba pa.
- Pagtatayo o pagsasaayos ng mga baskebolan, lugar hintayan, kalye at iba pa imprastraktura na kailangan o di kailangan ng bayan.
- Pagdalo sa mga malakihang pagtitipon ng iba’t ibang sektor ng lipunan katulad ng mga El Shaddai rally, pagtutol na rally, kapulungan para sa manggagawang unyon, gabi ng parangal at iba pa.
- Padalo sa mga kasayahan ng mga kilalang tao sa lipunan katulad ng salu-salo ng may kaarawan,pagtatapos, anibersaryo at iba pa.
- Ang walang humpay na pakikipagtunggali sa kapwa pulitiko o kilalang tao sa lipunan.
Salamat sa http://maypagasapa.blogspot.com/ para sa larawan at listahang ito.
Tag bilang:
Halalan 2010,
Lolo,
Sikat ang Pinoy
by hapon on December 22, 2009
Sikat ang pinoy sa pamumulitika, ito ang isa sa madaling paraan para umunlad o lumubog ang isang tao.
Nakakabigla ang bilang ng lumahok sa pampanguluhan hanggang sa pinakamababang posisyon sa halalang magaganap sa 2010. Kanya kanyang plataporma di gobyerno.
Ito ang panahon ng bolahan, Panahon na naman ng kunwari’y kababaang loob ng mga pulitiko ngunit pagkatapos manalo ay nag-iiba ang ugali. Ang mga ipinapangako sa taumbayan ay hindi man lang nila nililingon pagkatapos na sila ay maihalal sa puwesto.
May nakita nga ako kagabi na isang lalabang pulitiko sa Lungsod na andaming mga guwardiya o alalay na animo’y panahon na ng kampanya. Kinakamayan ang bawat taong nakakasalamuha, hindi pa naman panahon ng kampanya. Napakaagang pamumulitika.
Mapapasakay ba ninyo yan sa tricycle e ang gagara ng mga sasakyan niya. Kailan kayo makakakita ng tunay na kalagayan ng mga mahihirap.
Dapat sana naman ang batas kapag lalaban nang ganyan ang mga pulitikong nakaupo ay tatapatan na nila ng pag-alis sa kanilang puwesto.
Ganito tayo nuon, ganito parin ba tyo ngaun. Dito nagiging sikat ang pinoy, bolahan, lokohan, plastikan, sabi nga ng lolo ko anak itabi mo lalaban tyo.