Posts tagged as:

Eleksyon

Jumi-Jingle si Manny Villar

by Leo on February 9, 2010

Sikat na sikat talaga ang mga Pinoy kahit saang larangan. Pero sa pagkakataong ito maging ang mga Politiko ay nakikilala na rin sa ibang bansa tulad nalang ni Presidente Corazon Aquino na asawa ni Senador Ninoy Aquino na may anak na tumatakbo bilang presidente ngayong darating na halalan na si Noynoy Aquino na kapatid ng artistang si Kris Aquino na asawa ni James Yap na napapabalitang may karelasyon daw sa Belo Medical Group na pag-aari ni Doktora Vicky Belo na kasintahan ni Hayden Kho na gumawa ng mga kan(**toot!**) bidyo na nasaksihan ng mga ilang mga pinoy ang nilalaman nito, kasama sina Maricar Reyes at Katrina Halili na dating taga-starstruck ng GMA 7 kung saan nanggaling si Cristine Reyes na ngayon ay nasa ABS-CBN kung saan may sikat na palabas na Pinoy Big Brother kasama si Cathy Remperas.

Alam namin na kilalang kilala mo na si Manny Villar dahil sa mga advertisements nito sa Telebisyon, Dyaro, Internet, Radyo. Lalong sumikat si Manny Villar dahil sa tugtuging naka-eeLSS. May nag-padala dito sa Sikat ang Pinoy www.walakasaloloko.info ng mp3 at nagtataka kung ang jingle nyang ito ay dinampot lang ba sa banyagang lugar tulad ng bansang hapon at kapareho ng tugtog ng kanyang sikat na commercial. Hindi namin intensiyon na siraan ang senador na ito, pero hindi talaga kami sigurado baka kasi nagpagawa lang siya ng anime version ng kanyang awitin at nagbabalak tumakbo sa bansang hapon bilang presidente o talagang sikat na sikat lang talaga siya kaya maging sa bansang hapon ay ginawan din siya ng kanyang jingle.

Ang link sa baba ay ang mp3 na pwede nyong i-download ng LIBRE (pero may password) sa pamamagitan ng pag pindot ng madiin:

kabuuan ng istorya…

Bookmark and Share

{ 5 Mga Komento }

Ang kantaterong si Rico Blanco ay opisyal na naghayag kay Gilbert “Gibo” Teodoro at sa kanyang kampo na tigilan na ang paggamit ng komposisyong “Posible” para sa pang-pulitikang patalastas.

YouTube Preview Image

Para sa karagdagang ulat. Magbasa lamang sa abs-cbn news.

Bookmark and Share

{ 3 Mga Komento }