Mga rehistradong botante!
Alam nyo ba ang gagawin ninyo pagdating ng halalan?
Alamin ang proseso ng Automated Elections mula sa Comelec Director Ferdinand Rafanan
Panoorin ang SmartMatic Demo ng makina sa pagboto.
Smartmatic Voting System
Automated Election Forum
Pebrero 27, 2010 4PM
Alabang New Life Christian Center 2 Don Manolo Blvd. Alabang Hills Village, Alabang Muntinlupa City, Pilipinas
email: newlife@newlife.ph
809-1542 sa 43 809-1533
Magkaroon ng kaalaman wag Maging Kang Muli-Kang Muli sa halalan!
Tag bilang:
Automated Election,
Halalan 2010,
new life,
smartmatic,
voting system
Baong Taon na, tinatawag na tayo ng ating bayan para sa ating partisipasyon at pangakong bumoto ng katangi-tangin at tunay na pinuno na siyang tunay na magsisilbi at mamumuno sa ating bayan.
Sikat ang Pinoy talaga sa pag-iisip ng paraan para makilala at sumikat, di mo alam kung si lolo ba ay matutuwa o mapapamura. Isa ba sa napupusuan mong kandidato ang gumawa na mga sumusunod gimik na ito sa pangangampanya?
- Ang pakikibahagi, pag-aakisakaso o pag-aambag sa KBL (Kasal-Binyag-Libing)
- Mga pagbati o pakikibahagi sa mga taunang okasyon katulad ng Piesta, Buwan ng mga Puso, Graduwasyon, Summer Vacation, Araw ng mga patay, Pasko, Bagong Taon at iba pa.
- Mga pagbati o pakikibahagi sa mga palaro, timpalak o paligsahan katulad ng Patimpalak ng magaganda, Liga sa Basketbol, Paligsayan para sa Clean & Green at iba pa.
- Pagtataguyod ng mga programa para sa iskolarsyip, pagsasanay, paghahanap ng trabaho,misyong medikal at iba pa.
- Pagtugon sa mga biktima ng kalamidad na gawa ng kalikasan o tao katulad ng kidnapping, bagyo, pagguho ng lupa, pagsabog ng bulkan, baha, problemang OFW, kasuklam-suklam na krimen at iba pa.
- Pagtatayo o pagsasaayos ng mga baskebolan, lugar hintayan, kalye at iba pa imprastraktura na kailangan o di kailangan ng bayan.
- Pagdalo sa mga malakihang pagtitipon ng iba’t ibang sektor ng lipunan katulad ng mga El Shaddai rally, pagtutol na rally, kapulungan para sa manggagawang unyon, gabi ng parangal at iba pa.
- Padalo sa mga kasayahan ng mga kilalang tao sa lipunan katulad ng salu-salo ng may kaarawan,pagtatapos, anibersaryo at iba pa.
- Ang walang humpay na pakikipagtunggali sa kapwa pulitiko o kilalang tao sa lipunan.
Salamat sa http://maypagasapa.blogspot.com/ para sa larawan at listahang ito.
Tag bilang:
Halalan 2010,
Lolo,
Sikat ang Pinoy