Posts tagged as:

tindahan

Sa di inaasahang pangyayari napag hinalaan na naman si kuya na kumain ng KAMIAS sa kusina.

YouTube Preview Image

Kami dito sa wala ka sa lolo ay naaawa na sa taong ito dahil lagi nalang siyang pinag bibintangan na kumakain ng mga pagkaing nawawala sa bahay nila. Sa mga taong magpapatunay kung sino man ang tunay na kumakain ng Dingdong, Peras, Kamias ay ipag-alam lamang dito para mabigyang hustisya ang inosenteng taong ito. Maraming Salamat po!

Peras, Hestas, Hudas, Barabas…. Kamagong, Leche!

Maraming salamat sa Sikat na Pinoy na si diquil ng plurk sa pagbahagi ng nakakalokong pagtanggi ni Kuya sa bidyong ito.

Bookmark and Share

{ 5 Mga Komento }

Maitatanggi mo bang ikaw ang kumain ng DINGDONG snacks sa tindahan?

YouTube Preview Image

%^U&$%$!+@#*!! Eh ang Peras? Kinain mo rin ba?
kabuuan ng istorya…

Bookmark and Share

{ 20 Mga Komento }

Sikat na Tindahang Pinoy: CD-R King

by Leo on December 24, 2009

CD-R King ay isa sa mga pinakasikat na tindahan sa pinas. Dinadayo ito ng mga taong gustong makatipid sa pag bili ng mga DVD/CD at mga gamit pang kompyuter. Ang layunin ng CD-R King ay maging prominente at makapag hatid ng mga murang produkto para sa mga kababayan nating kapos sa pera.

Sikat na Tindahang Pinoy: CD-R King

Larawan mula sa isang Grupo sa Facebook

Ang CD-R King ay may higit kumulang 100 na tindahan sa buong pilipinas kung saan madali mo na silang mapupuntahan saan man parte ng pilipinas ikaw naroroon.

Nabanggit na ba ng CD-R King kung bakit sila mura mag tinda ng mga produkto nila? Ito ay dahil:

  • Hindi na sila nagpapa-advertise sa kung saan saan.
  • Wala silang sikat na modelo para tulungang makilala ang kanilang mga produkto o tindahan.
  • Wala silang mamahaling P.O.S. (Kaya matyaga nilang sinusulat sa resibo ang produkto na iyong binili)
  • Hindi rin sila tumatanggap ng Credit Card. (Kasi nga wala silang P.O.S.)
  • Bumibili sila sa direkta sa pagawaan ng mga produkto para makamura.
  • Maramihan kung sila ay bumili ng produkto upang maitinda sa mga pinoy ng mura.


Bakit sikat ang CD-R King sa mga Pinoy?

  1. Sikat sila dahil mura ang mga tinitinda nilang mga produkto.
  2. Laging maraming bumibili sa kanila.
  3. Mahaba ang pila sa kahera.
  4. Hindi ka papansinin ng mga tindera sa mga tanong mo kasi hindi ka pala kumukuha ng Service number na CD (parang Meralco Ticket po)
  5. Pag nakakuha ka na ng Service number kailangan mo pang pumila at mag hintay para matawag ang numerong iyong nabunot (kahit magtatanong ka lang)
  6. Ang warranty ng mga produkto nila ay hanggang pitong (7) araw lang.
  7. Pagkatapos ng tatlong (3) buwan sa pag gamit ng produkto nila sira na agad. (depende kung gaano ka kaburara sa gamit)
  8. Maraming nagagalit na mamimili sa kanila dahil sa bagal ng kanilang serbisyo.
  9. Masusungit na mga tindera. Minsan sisigawan ka pa pag nakukulitan na sa mga tanong mo. (base sa aking karanasan)

Ikaw? Masaya ka ba sa CD-R King?

Bookmark and Share

{ 6 Mga Komento }